Likas na sa mga Pilipino ang karanasan at kagalingan sa pagluto ng iba't-ibang putahe. Talagang matalino ang mga Pinoy pagdating sa larangan na ito. Kaya hindi mo din masisisi kung bakit kahit ang mga taga-ibang bansa ay tinatangkilik ang lutong pinoy. Ang pagkain at luto ng mga Pinoy ay talagang binabalik balikan, at halos lahat ng tumitikim nito ay hindi nagsisisi at talaga sila ay nasasarapan. Nakilala o nakikilala ang mga Pinoy sa pag gawa ng iba't-ibang putahe, talagang magaling mag-isip ang mga Pinoy. Kahit anong putahe ay talagang masarap. Kaya masaya maging isang Pinoy.
Inimpluwensiyahan ng mga Asyano, Europeo, Mehikano at mga Amerikano ang lutong Pinoy ngunit pinatunayan ng mga Pilipino na mas malawak ang kanila pag-iisip lalo na pagdating sa pagluluto kaya dahil dito ipinapakita sa lutong Pinoy ang kasaysayan ng ating bansa, ang Pilipinas. Nakaugalian na din ng mga Pinoy ang pagluluto at pag-iimbento ng iba't-ibang klase ng pagkain.
Dahil sa mga luto at putahe na mula sa bansang Pilipinas, ito ang ilan sa mga pinaka-sikat at talagang walang kupas na putahe na ginawa o inimbento ng mga Pilipino, ito ang sampung mga putahe na pinaka-sikat at pinaka-masarap ayon sa ibang mga estudyante ng New Era University:
1.) Sinampalukang Manok
Ito ay uri ng sabaw na madalas na inihahanda ng mga Pilipino sa kani-kanilang hapag kainan. Madalas itong niluluto lalo na kapag malamig ang klima.
Mga Sangkap:
1 buong
manok, hiniwa ng parte-parte
5 pirasong
bawang
1 maliit
na bawang
1 kutsarang
luya
1 malaking
kamatis
1/4
cup ng patis
3
cup ng tubig
1 maliit
na pakete ng tamarind powder o sinigang mix
1
bungkos ng kangkong
4 na
kutsarang mantika ayon
sa panlasa asin at paminta iba
pang gulay ayon sa nais (optional)
Paraan ng Pagluluto:
1. 45
na minuto
2. Gisahin
sa mainit na mantika ang sibuyas at bawang. Kapag transparent na ang bawang, ihalo ang luya, tapos kamatis, at durugin ito.
3. Ihalo
ang manok at prituhin sa ginisang sangkap. Hayaan ng 5 minuto, tapos idagdag
at patis. Hayaan manuot ang lasa ng patis ng 3 minuto.
4. Idagdag
ang tubig at tamarind powder. Hayaang kumulo ng 30 minutes o hanggang sa
malambot na ang manok.
5. Idagdag
ang gulay (ayon sa pinakamatagal maluto gaya ng gabi o labanos, hanggang sa
pinakamabilis gaya ng kangkong) at hayaang maluto.
2.) Kare-kare
Nagmula ito sa bayan ng sentro sa pagluluto, ang Pampanga. Ang pangalawa ito ay inihahanda sa marangyang piging ng mga Moro na nanirahan sa Manila bago pa man dumating ang mga Espanyol.
Mga Sangkap:
1 1/2 tasang buntot ng baka, hiniwa ayon sa gustong laki
1 1/2 tasang tuwalya ng baka, hiniwa ayon sa gustong laki
1 kustsaritang asin
6 tasang puso ng saging, hiniwang pahilis, 1/2 pulgadang haba
3 tasang talong, hiniwang pahilis, 1 pulgadang haba
1 tasang sitaw, 1 pulgadang haba
3/4 tasang peanut butter
1 supot kare-kare mix
1/2 tasa bagoong alamang
Paraang ng Pagluluto:
1. Palambutin ang buntot at tuwalya ng baka sa 1 tasang asin. Palambutin.
Magtabi ng 3 tasa ng sabaw.
2. Unahing idagdag ang puso ng saging. Kapag medyo luto na ay isunod ang
talong. Ihuli ang sitaw. Pakuluan ang mga gulay hanggan maluto.
3. Timplahan ng kare-kare mix. Haluing mabuti.
4. Idagdag ang peanut butter at pakuluan ng 2 minuto hanggan lumapot.
5. Ihain kasama ang ginisang bagoong na alamang
Pinangalanan
na caldereta ito dahil ito ay nanggaling sa salitang espanyol na caldera na ang
ibig sabihin sa tagalog ay kaldero. Ang ulam na ito ay katulad ng nilagang
karne mula sa Iberian peninsula. Dinala ito ng mga espanyol sa pilipinas sa
panahon ng kanilang 300-taong pananakop ng Pilipinas. Ihinahain ang kaldereta
tuwing may espesyal na okasyon o pagdiriwang. Hindi lamang baka ang puwedeng
gamitin na karne kundi pati manok o baboy.
Mga Sangkap:
2 kutsarang mantika
1 tasang patatas, hiniwang pakuwadrado
6 tasang baka, hiniwa ayon sa gustong laki
1 tasang tubig
1 paketeng caldereta sauce
1 pirasong siling pula, hiniwang pahaba
1/2 tasa gisantes
Paraang ng Pagluluto:
1. Magpainit ng mantika. Iprito ang patatas at itabi.
2. Iprito ang baka at papulain. Dagdagan ng tubig at pakuluin hanggan lumambot.
3. Idagdag and caldereta sauce, piniritong patatas at sling pula. Haluin
hanggan lumambot ang mga gulay.
4. Idagdag ang gisantes bago hanguin.
4.) Tinolang Manok
Mahirap
tantiyahin kung kailan ang tiyak na petsa noong inimbento ang tinola. Una ito
naibanggit sa unang nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Inihain ni Kapitan
Tiago kay Crisostomo Ibarra ang tinola ng siya'y nakarating sa pilipinas mula
sa europa. Naibigay sa kaniya ang masarap na parte ng manok. Nang makuha ito ni
Crisostomo Ibarra ay hindi natuwa si Padre Damaso dahil ang nakuha niya ay ang
leeg ng manok lamang.
Mga
Sangkap:
3 librang pitso ng manok, hiniwa ayon sa gustong laki
3 librang pitso ng manok, hiniwa ayon sa gustong laki
2 kutsarang mantika
2 kutsarang luya, hinwang pahaba
1 ulo ng bawang, dinikdik
1 katamtaman sibuyas, hiniwa
2 kutsarang patis
1 kutsarang asin
5 tasang tubig
2 tasang hilaw na papaya, hiniwang pakuwadrado
Paraan ng Pagluluto:
1. Magpakulo ng mantika sa isang kaserola sa katamtamang init, Igisa ang luya,
bawang at sibuyas sa loob ng 1 minuto.
2. Idagdag ang manok at gisahin hanggang maging mamula-mula. Timplahan ng patis
at asin.
3. Dagdagan ng tubig. Pakuluan ito sa mahina apoy at hayaang kumulo-kulo sa
loob ng 30 minuto o hanggan lumambot ang manok
4. Idagdag ang papaya, iluto ng 5 minuto o hanggan lumambot ang papaya
5. Takpan ang kaserola at alisin sa apoy
5.) Bicol Express
Kilalang mga uragon o matatapang ang mga Bicolano, kaya naman ang hagsik ng anghang ng sili inihahalo nila sa kanilang mga iniluluto. Ang pangalan na Bikol Expressay hinango mula sa tren na tumatakbo mula Maynila patungong Bikol. Ito ang isa sa mga pinakakilalang pagkain na nagmula sa Bikol.
Ang Bikol ay kilala sa kanilang mga pagkain tulad ng pili na ginagawang suspiros, masapan, pastilyas at brittle, at mga putahe na ginataan at pinaanghang ng maliliit na siling labuyo na tulad ng Laing at Bikol Express.
Mga Sangkap:
gata ng niyog
bagoong
karne ng baboy o manok
maraming pulang siling labuyo.
Paraan ng Pagluluto:
1) Ibabad ang sili sa tubig na inasnan. Itabi nang 30 minuto at pagkatapos ay hugasang maigi. Patuluin.
2) Sa kawali, paghaluin ang gata, alamang, karne, bawang, sibuyas at asin.
Pakuluin.
3) Hinaan ang apoy at isalang pa nang 10 minuto.
4) Idagdag ang sili at lutuin hanggang halos matuyo.
5) Ibuhos ang kakang gata at hayaang magmantika.
Mga
Sangkap:
1
kilo manok
1
lata ng Del Monte Pineapple Tidbits
2
Patatas na hinati sa apat
1
lata ng alaska evap
1
piraso ng bawang
1
sibuyas
Paminta
at asin
2
kutsara ng asukal
1
kutsarang cornstarch
Paraan
ng Pagluluto:
1.
I-marinade ang manok sa asin, paminta at syrup ng pineapple tidbits. Itabi ang
laman.
2.
Sa isang kawali o non-stick pan, i-printo ng kaunti ang mga piraso ng manok.
Hayaang pumula ng kaunti. Ilagay sa isang lalagyan
3.
Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika
4.
Ilagay ang piniritong manok at patatas. Ilagay ang pinagbabadan ng manok at
kaunting tubig. Takpan hanggang sa maluto ang patatas.
5.
Ilagay ang alaska evap at ang pineapple tidbits. Hayaang kumulo
6.
Timpalahan ng asin, paminta at asukal ayon sa inyong panlasa
7.
Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
8.
Ihain habang mainit
7.) LAING
Ang laing ay nanggaling sa lutong Bicol. Isa ang Laing sa pinaka-tangi-tanging ulam sa Bicol. At ginagawa din nila itong maanghang kagaya ng Bicol Express.
Mga Sangkap:
250 grams tuyong dahon ng Gabi
1/2 kilo Pork kasim, hiniwa ng maliliit
2 tasa Kakang gata ng niyog
2 tasa Gata (Ikalawang piga)
5 pirasong Siling pang sigang
1 pirasong luya
1 sibuyas
1 bawang
asin at paminta
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
Halu-haluin
2. Ilagay ang baboy. Timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin
3. Lagyan ng tubig na tama lang para mapalambot ang karne.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay ang tuyong dahon ng gabi. Halu-haluin.
5. Ilagay ang ikalawang pigang gata at siling pang-sigang. Halu-haluin. Hayaang
maluto ang dahon ng gabi.
6. Timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
7. Ilagay ang kakang gata. Halu-haluin at hayaang kumulo ng mga 2 minuto.
Ihain habang mainit.
8.) Paksiw na Lechon
Ang Paksiw na Lechon ay isa mga pinaka-paboritong inihahanda tuwing may handaan o salu-salo na nagaganap. Karaniwan itong niluluto ito tuwing kinabukasan kapag may natitira sa inihandang lechon.
Mga Sangkap:
1 kilo lechon na baboy
1 latang liver spread o mang tomas
1 tasang suka
1/2 tasang asukal
1 kutsarang asin
1 kutsarang pamintang buo
4 na ulo ng bawang, dinikdik
1/2 tasang tuyong oregano
1 tasang tubig
Paraan ng pagluto:
1. Ilagay ang hiniwang lechon na baboy sa isang kawali
at isama ang lahat ng sangkap.
2. Pakuluan
3. Hinaan ang apoy hanggang lumambot ang baboy
at lumapot ang sarsa.
9.) PANCIT PALABOK / LUGLOG
9.) PANCIT PALABOK / LUGLOG
Ang Pansit Palabok na kilala din sa tawag na Pansit Luglug ay isa sa mga paboritong pagkaing pang merienda ng mga Pilipino. Ito ay gawa sa pansit luglog o rice noodles na may halong sarsa na gawa sa katas ng hipon na binudburan ng masasarap na sangkap yulad ng chicharon, hipon at itlog.
Ang salitang palabok ay nangangahulugang, samu't-sari kung kaya't ito ay tinawag na pansit palabok dahil sa iba't-ibang sangkap na kasama ng lutuing ito. Noong unang panahon, gumagamit ang mga tao ng sandok na butas-butas na gawa sa kawayan upang maibabad sa kumukulong tubig at patuyuin ang mga noodles na naging dahilan kung bakit ito ay tinawag na luglug, na ang ibig sabihin ay "hinugasan o binanliang tubig." Sa ngayon na moderno na ang mga kasangkapan, gumagamit na ang mga tao ng stainless steel strainer para makuha at mapatuyo ang mga noodles sa kumukulong tubig.
Mga Sangkap:
1 kilo Rice Noodles o Bihon na pang pancit luglog (ito yung medyo matataba ang noodles)
500 grams Giniling na Baboy
2 piraso Tokwa (mashed)
150 grams Hipon (alisin yung ulo at digdikin na pinong-pino. Yung katawan naman
ay asinan at i-steam)
1 tasa Bread Crambs
1/2 tasa Achuete Oil
3 tasa Sabaw na pinaglagaan ng baboy o 2 piraso ng Knorr pork cubes
Patis
1 ulo ng bawang
1 ulo ng bawang
1 sibuyas
asin at paminta
Para sa toppings:
Chicharong baboy (dinurog)
Hipon
3 tasa Hinimay na Tinapa
5 piraso ng nilagang itlog
Dahoon
ng sibuyas
Kinchay
Kinchay
Paraan ng Pagluluto:
1. Ibabad muna ang bihon o rice noodles para lumambot. Ilubog ito sa kumukulong
tubig hanggang sa maluto. I-drain ang excess na tubig. Set aside.
2. Sa isang sauce pan o kaserola, i-prito muna ang bawang hanggang sa mag-golden
brown. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Patuloy na igisa ang sibuyas. Ilagay na din ang mashed na tokwa, dinikdik na
ulo ng hipon at giniling na baboy. Timplahan na din ng asin at paminta. Hayaan
muna hanggang sa mawala ang pagka-pink na kulay ng giniling.
4. Ilagay na ang achuete oil at patis. Hayaang kumulo.
5. Ilagay na ang bread crambs para lumapot ang sauce at kalhati ng hinimay na
tinapa. Maaring lagyan ng sabaw ng pinaglagaan ng karne kung kinakailangan pa.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ibuhos ito sa nilutong bihon. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ang lahat
ng noodles ng sauce.
8. Ilagay sa isang bilao at ilagay sa ibabaw ang mga toppings kagaya ng
chicharon, hipon, toasted garlic, kinchay, onion leaves at hiniwang nilagang itlog.
Ihain na may kasamang patis at calamansi.
10.) BULALO
Ang nilaga ay isang lutuing Pilipino. Ang kasingkahulugan ng salitang nila ay pinakukuan. Sa paggawa ng nilaga, ang karne at mga gulay ay inilalagay sa kumukuong tubig at niluluto sa mahinang apoy. Walang lasa kadalasan ang sabaw maliban sa katas ng mga sangkap nito. Tinawag din itong kosido sapagkat isa itong uri ng pagkaing namana ng mga Pilipino mula sa mga Kastila. Ngunit kaiba sa kosido ang nilaga ng mga Pilipino ay walang pamamaraang paggigisa.
Mga Sangkap:
2 kilo Beef Shank with bone marrow
2 sibuyas
250 grams repolyo
2 tale pechay tagalog
2 tangkay na leeks
2 piraso mais na hinati sa apat
2 piraso ng patatas na hinati sa apat
1 kutsaritang pamintang buo
asin
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang malaking kaserola, ilagay ng baka at subuyas. Lagyan ng tubig, asin
at pamintang buo.
2. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang laman at litid ng baka. Alisin ang
mga namuong dugo na lumulutang sa sabaw ng pinapakuluan.
3. Kung malapit ng lumambot ang karne, ilagay ang mais.
4. Kung luto na ang mais saka ilagay ang patatas.
5. Kung malapit namang maluto na ang patatas ay saka ilagay ang repolyo, pechay
at leeks.
6. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.
Ihain habang mainit.
Iyan ang ilan sa mga putahe ng mga Pinoy. Nawa'y nagustuhan niyo at nakapulot kayo ng aral sa aming isinagawang BLOG na ito. Maraming salamat!
Pinagkuhanan ng ibang detalye at ng mga litrato:
"Minsan mas masarap pang kumain kaysa magmahal hindi ka masasaktan mabubusog kalang"
TumugonBurahin